Sa loob ng dalawampu't apat na taon ko nang pamamalagi at nabubuhay sa mundong ito, maramirami na rin akong nakasalamuha at nakilala na mga iba't ibang uri ng tao. May mga taong akala mo hinog na, yun pala bubot pa; mga taong hinog na sa pisikal, yun pala sa isip at pang-unawa ay sanggol pa; may mga iba naman, tao nga sa pisikal ngunit asal hayop pala. Ngunit mayroon din namang aba! hulog ng langit! Hindi ko alam, baka pinagbawal na siya dun kaya bumaba dito sa lupa...biro lang (peace!)...ang totoo nyan, may mga taong sadyang may mabuti at busilak na kalooban. Pero sa ngayon, pagtutuunan ko muna ng pansin ang mga bagay bagay tungkol sa pag-ibig; dala na rin marahil sa mga hindi kaaya-ayang karanasan ng karamihan, tulad ng aking mga kakilala, kaibigan, kakosa, ka-FB, ka-FS, ka-chat, katawanan at hagikgikan, ka-youtube, kapwa ko kabataan, ka-church, at kung sinu-sino pa...at oo nga pala, isa rin akong biktima.
Ewan ko ba, bakit ang dami dami na ng lahi nila. Hindi ko alam kung sadyang nakakahawa o talagang dahil nasa dugo o lahi na nila. Sa una, mukhang magandang tingnan, kaaya-aya sa pandinig, pero wag ka, baka sa isang iglap ay naging biktima ka na rin nila.
Akin nang sisimulan ang mga banat na dapat noon ko pa pala ginawa...
Marahil ay may mga nakakakilala sa mga taong ganito ang mga bukang-bibig o ugali sa buhay: hindi naman siguro pinaglihi sa asukal pero matamis; hindi rin naman siguro lumaki sa hardin para matutong magsalita ng "mabubulaklak" na salita; at higit sa lahat, hindi naman mukhang keso, lalo namang hindi mukhang bola, pero bakit parang pasko palagi sa kanila kaya nagmumukha na silang keso de bola. Wala naman sigurong problema kung paminsan minsan, at higit sa lahat, taos sa puso ang sinasambit ng bibig. Ang hindi ko lang talaga maintindihan, bakit kailangan pang gawing kapani-paniwala o magpanggap sa mga bagay na eksaherado lang naman dahil sa kagagawan nila. At kami naman, in fairness (aminin!), napapaniwala. Mayroong paliwanag dyan ayon sa isang kakilala ko at ayon na rin sa napag-aralan ko sa kursong sikolohiya. Ang kahinaan ng mga kalalakihan ay ang mata/paningin samantalang ang mga kababaihan ay sa tenga/pandinig. Kaya nga, hindi kataka-taka na sa ilang segundo, ang lalaki ay nahuhulog na agad ang loob sa isang magandang dilag (dilag nga ba?) at ang babae naman ay napapaikot at napapaniwala sa matatamis at makesong salita. Tsk tsk!
Bago ko nga pala makalimutan, ang aking ilalahad ay isang daan at isang bahagdang subhektibo (translation: 101 percent subjective in nature). Hindi ko alam kung sa umpisa pa lang ay mayroon nang tinatamaan. pero kung mayroon man, wagi!!!Oo, ikaw nga ang aking pinatatamaan. Ngiti ka na lang. Page ko ito...Para sa iyo talaga ito. Bawian lang yan...gawa ka rin ng version mo kung gusto mo....
Mga halimbawa nga lang:
DUH!
Talaga lang?
O sige, alagaan mo hangga't gusto mo..sagot mo pag-aaral nyan ha,
pati gatas, diapers, vaccination, travel...
E kung i-knock out kaya kita dyan? si Mishka the Husky lang ang
kering keri sa pagsasabi ng "I love you" =P
sige, try mo lang, walang bawian ha....
korek, walang ka-future future..obsessed?
uy, ang keso na talaga..parang totoo lang
nako kuya, walang napapala ang tumititig lang sa test paper pero
alang sagot. ganyan din makukuha mo sa girl, no answer...
ang korni, anu ba yan!
Wow, akalain mo nga naman..ang sarap pakinggan...pero bakit ganun? May mga pagkakataong ganito:
Honestly, nachi-cheapan din ako sa ganyan, ayaw talaga
ng commitment tapos parang mag-asawa na ang turingan?
Ayan, ayan na nga ba sinasabi ko eh!tsk tsk!nagpapaniwala
kasi sa mga kakeso-kesong bagay....hayyy...
inaamin ko, naging biktima rin ako nyan
inaamin ko, naging biktima rin ako nyan
Nako, malingat ka nga lang iba na ka-text/ka-chat eh!minsan harap-harapan pa nga.
Salungat na salungat sa sinabi niyang "Kung dalawa ang maging puso ko,
ikaw ang mamahalin nilang pareho."ewwww!!!
Ha ha ha!!!Iba't iba ang paraan,
pare-pareho lang naman ang ibig sabihin
Pero malalim ang nilalaman...
pare-pareho lang naman ang ibig sabihin
Pero malalim ang nilalaman...
One week kasi may bago na naman siyang kinahuhumalingan eh,
ganun lang talaga kadaling magsawa...
at pambihira!bakit pinariringgan ako?sinong mataba?ako?
M.U.-Mukhang Unggoy!pwede!
Hindi naman pinaglalaruan ang emosyon...
Ano?tinatamaan ka na ba?wag ka muna mag-react, malay mo, bago matapos ito, may maganda kang mabasa...o manhid ka pa rin? Pero sa mga susunod, baka mabasag ka na?sana....
Ha ha!!tama!walang mangyayari kung puro patama lang,
diretsuhin na kasi..at wag sa text at sa chat,
hindi makikita ang sinseridad ng tao sa ganyang paraan.
Ok, sinabi na lahat..tumpak!ganyan dapat ang sagot!
ha ha ha ha!!!tawa na lang o!
sana nga nabasag...
Nako, marami nyan sa Sugarland...Laganap na nga ang ganyan eh...
Nako, marami na akong na-encounter na mga ganito...
assuming..at higit sa lahat, FEELING!
Well, noon yon..hindi na ngayon!bwahahahaha!!!!
Isang Halimbawa ng "assuming" at "feeling"
O di ba, may mga taong ganyan talaga. Isa't kalahating keso de bola, minsan asukal, etc. Pero maiba na muna. Ang mga sumusunod ay para naman sa mga dakilang emotero at emoterang tulad ko, na minsan na ring nasaktan..ay hindi pala minsan...palaging nasasaktan...manhid na nga eh!
May ilan ngang ganyan, sana sa umpisa pa lang napagtanto mo na
para hindi ka na nagsayang pa...
at ibinaling na lang sa talagang karapat-dapat
Tama! Wag na kasing ipilit eh...
korekted by...well said...
Right!
waaaahhh!!!!opo...alam ko naman po yun eh..he he
Kaya nga sa Pag-ibig, hindi dapat naka-base sa pakiramdam.
Ang pagmamahal ay isang desisyon, hindi lamang dahil sa emosyon; nang sa gayon, mawala man ang emosyon, andun pa rin ang desisyon na magmahal habang-buhay...
Tunay nga na may mga pagkakataong hindi mo inaasahan: umibig, masaktan, maniwala sa kasinungalingan, at marami pang iba. Ngunit, datapwat, subalit (he he!), hindi pa naman huli ang lahat. Ang mga hindi kaaya-ayang pangyayari sa buhay ng isang tao ay hindi para sumuko bagkus ay para matuto sa mga pagkakamaling iyon. Sabi nga, "history repeats itself". Kaya nangyayari pa rin ang nakaraan ay dahil sa hindi pa rin matuto-tuto sa mga kamalian noon. Buti na lang, may mga kataga at kaisipan na maaaring magamit para hindi na maulit pa ang mapait na nakaraan:
Dapat ay sikaping maging isang natatanging indibidwal
na hindi kayang balewalain ng karamihan lalong lalo na
ng "special someone"
Mabibilang na lang ata sa daliri ang mga taong ganito.
Gayun pa man, naniniwala akong dadami rin sila..he he!
Sorry!puro na lang sorry!
Awww....
Tama! Hindi bale, may ganyan pa rin naman...
madalang nga lang...
Ang tunay na pagmamahal kasi ay hindi rin nakabase sa pisikal na kaanyuan...
nasa sa puso at ugali yan
Napaisip lang ako...may ganito pa kayang lalaki ngayon?
pero sa totoo lang, panalo ang linya nya ha...
Katulad nga ng sinabi ko na sa una, marami na akong narinig hinggil sa mga hindi kaaya-ayang karanasan ng ilan...isama ko na rin ang sarili ko. Sa totoo lang, hindi ko ikinatutuwa ang mga bagay na iyon. Marami kasi, akala nila, lahat na lang sa amin pare-pareho; madaling makuha, madaling mauto, madaling mapaniwala, madaling paikutin sa pamamagitan ng pagpapanggap-sa salita man yan o sa gawa. Pero sana maisip nila, hindi lahat ganon. May ilan pa rin naman na karespe-respeto, na hindi nakukuha o napapaniwala nang basta basta na lang. Ang kailangan namin ay ang taong igagalang kami at may busilak na kalooban.
Ayoko sanang madala. Dahil pag dumating ang puntong iyon, parang sinabi ko na rin na wala nang pag-asa. Yun nga lang, kailangan ko ring maging maingat, kailangan din ng mga kapwa ko ang maging maingat..matuto na sana; nang sa gayon, mapatunayan sa mga dumadami nilang populasyon na iba ako, iba kami. Sa ngayon, ang kailangan ko lang gawin na maaari ko ring maisangguni sa kapwa ko, habang hinihintay ang pagdating ng nag-iisang taong nakalaan para sa akin at sa iyo/kanya, nararapat lamang na maging handa ang sarili. Samahan pa ng dasal na may pag-asang kaakibat...na darating ang takdang panahon na darating ang taong tulad nito:
Sa puntong ito, ayoko na matapos ito na maging "Tamaan ang dapat tamaan: bato bato sa langit, tawa na lang.." Wala ito sa kung sino ang tinamaan, tinalbugan lang, o nag-mamaang-maangan. Nasa sa pagtanggap lamang yan at pagdedesisyon na magbago habang hindi pa huli ang lahat.
habang binabasa ko toh..madaming pumasok sa isip ko..hahaha
ReplyDeleteactually 3 boys..hehe..not to mentioned..basta sila yung mga sumagi sa isip ko na.. aw flower boy ata yun..haha..meron pa..paasa..tapos ahm..ewan di ko mawari..basta..pumasok sya sa utak ko..hehehe..
nakakatuwa yung last quote..
I JUST HOPE NA SANA MERON PA RING MGA ADAN NA GANUN..:D
nakakatuwang malaman na merong mga girls na malinaw pa rin ang isipan, or nalilinawan na..pero huwag sanang manatili sa pagiging bulag, sila lang ang nagiisip na wala nang mga natitirang totoong maginoo sa mundong ito,sa totoo lang sobrang marami pa kaya! sila lang yung hindi pinapansin or nabibigyan ng pagkakataon dahil kadalasan sila yung mga simple lang, ang madalas na nakikita lang kasi ng kababaihan eh yung mga matitipuno sa paningin nila, hindi yung mga simpleng lalaki lang diyan sa tabi. tapos sasabihin, wala nang ganon, bakit kasi ang tinitignan yung maganda rin lang sa paningin niyo..nagbubulag-bulagan din lang kayo,
ReplyDeletekailangan ninyo ring malaman ang pagiging maginoo/mapagmahal ng lalaki nasa loob lahat,kaya madalas hindi mo makikita sa labas
ALSO, do not base your judgment on what you see,and what others intend for you to see.
BECAUSE true manhood is not visible..
-sirc
i really really love it......aixt i feel na nailabas ng blog na to kung ano tlga na fefel q thank you so much
ReplyDeletegrabe ganda tlaga patama e,,
ReplyDeletelove nua love co unq mqa ptama qoutes an dmi dminq natatamaan jan ....hehehe .....like ;0
ReplyDeletebakit ganun? lahat ng mali ng isang lalaki ang nakikita nyo? bkit hindi nyo muna tignan ang mga mabuting bagay na ibinigay isinakripisyo nila sa inyo bago nila napagtanto na parang walang kakahantungan ang panunuyo sa inyo... just a comment we need to be more transparent on looking down with other person.. malay nyo may mga mali din sa girls kaya natutong magsawa and boys sa inyo... bago kayo maghusga tanongin nyo muna ang sarili nyo kung tama ba ang ginawa nyo... oo marami akong kilalang lalaking manloloko pero natanong nyo naba kung sila naging ganun? hindi pa diba?? bakit inde nyo sila tanungin para malaman nyo ang sagot sa tanong nyo......
ReplyDeleteAng kulit nung mga banat! HAHA Pero may katotohanan. I have lots of guy friends at ganoon ang ugali nila. Well, dala na rin siguro ng immaturity at sa mga napapanood nila sa TV.
ReplyDeleteSabi sa amin noon, wala naman maloloko kung walang magpapaloko. Hindi lang din natin pwedeng sisihin ang guys kasi, pumapatol din naman tayong girls. haha
Ang maganda, dahil dumanas tayo sa ganitong sitwasyon, gabayan natin ang mga younger generations hindi lang sa aspeto ng lovelife kundi sa lahat. Masyado na kasi tayong binibilog ng mundo sa mga mensaheng hindi naman mabuti ang dala at walang katotohanan.
LAST ADVICE mula sa natutunan ko sa isang libro (Lovestruck by Ronald Molmisa):
IF YOU WANT YOUR LOVELIFE TO BE TRULY GOOD AND WORRY FREE, YOU MUST FIND YOURSELF LOVESTRUCK WITH THE LORD. SYA DAPAT ANG FIRST AND ENDLESS LOVE MO.
Hindi ka makakapagbigay ng totoong pagmamahal kung hindi si Jesus ang mahal mo. You cannot give what you don't have.
God created a void inside our hearts because only He can fill that missing space. :)
hi.. nakakalibang naman magbasa dito
ReplyDelete