Well, age 4...I started to go to school..nako, grabeh, ang layo ng pinagpapasukan kong school...dun mismo sa loob ng compound ng Star of Hope day care kung saan din kami nakatira! he he. Tagabantay kasi ng school nun sila mama and papa..siyempre, privilege na makapasok ako dun..libre pa nun yung education sa day care kaya bongga!
Highlights..hmm...isa sa hindi ko malilimutan ay ang pagsayaw namin ng lambada..if I'm not mistaken, ito yung pinakaunang sinayaw ko sa tanang buhay ko.. At para sa nagtatanong ano ba yung lambada...here's the video:
Honestly, ngayon ko lang na search sa youtube yang music, at ngayon ko lang narealize na may pagka sensual pala ang steps! Kung bakit ba nung bata pa kami eh cute yung steps namin at cute din ang costume namin :)
At eto pa, sumasali rin kami sa mga dance contests..parang division level ek ek..basta, nakailang join na rin kami ng contests, at nananalo rin.hindi naman sa pagmamayabang, pero magaling yung batch namin nun (well, actually...). remember ko pa mga kapwa ko dancers, sina nica, rea, yung iba nalimutan ko na..basta ang "soyo soyo" non!!!
Then nag start na rin akong mag attend ng Sunday school sa church namin sa Christian Faith Church sa Crame. Si Ate Amy pa nga teacher ko nun (na eventually naging kumare ko dahil inaanak ko pala isa sa mga anak nya ) eh...kakatuwa lang mga sunday school songs and Bible stories...kakaaliw in fairness.Until now natatandaan ko pa yun..at siyempre, hindi mawawala memory verses..although tinuturuan din ako ni mama kasi siya teacher ko nun sa Christian living :)
May isang point din nung nag-aaral ako..ewan ko ba kung bakit inabot ako ng katamaran..gayong ilang hakbang lang mula sa bahay namin eh classroom ko na..nga pala, nursery ako nun, teacher ko si ninang fe (o di ba)..ayun, tapos pinapapasok ako ni papa...narung pinalo na ako ng walis tambo in front of my classmates!ngawa ako siyempre..pero eventually napapasok din :) may activity kami nun eh, humikbi ako habang ginagawa ko ung drowing ng prutas...hanggang marinig ko sa teacher ko na"buti pa si ruth, kararating lang, mabilis natapos, ikaw kanina ka pa hindi ka pa rin tapos dyan," sabi nya sa classmate ko. ;P Partida, kaiiyak ko pa lang nun!bata pa emotera na.
Isa pa pala, bago ako magtapos ngayong moment na'to...I can still remember, may pagka glamorosa pa rin ako nung bata ako. hindi ako papayag na pumasok sa school nang walaaaaaaaang....make-up!yes!you read it right!madalas kung hindi si mama eh si auntie dang taga make up sken :) ewan ko lang talaga kung bakit kung kelan lumaki ako eh bigla nawala interes ko sa make up ever na yan.
No comments:
Post a Comment