Monday, March 21, 2011

Mahahalagang Karanasan sa Aking Nakaraan ^_^ Age 5

Five years old ako nung ma-meet ko si Gheng (R.I.P.), bale niece siya ni kuya June, yung hubby ni Auntie Dang na nung mga panahong iyon ay suitor pa lang ♥

Naging close buddies kami ni Gheng kasi tuwing aakayat ng ligaw si Kuya June eh kasama siya..so happy happy kami! Naging flower girls din kami nun (una't huli kong pag flower girl sa isang kasal, FYI) nung kinasal sina Auntie Dang. Kaso hindi nagtagal eh umalis na si gheng papuntang Keneda! este Canada pala. Pero I considered here as my childhood bestfriend :)

Actually classmate ko rin siya sa Day Care nun..at theme song namin is yung ♫ Let's sing Merry Christmas, and a happy holiday...na na na na na♫ kahit hindi pasko yun ang kanta namin. Kung hindi ako magkakamali, December din umalis si Gheng nun for Canada..


At age five din ako naaliw manood ng Batibot...nako, yung mga pinanganak ng 80's at 90's for sure alam na alam ang theme song kahit umpisa pa lang ♫Pagmulat ng mata, langit nakatawa sa batibot, sa batibot♪




Para sa mga kabataan ngayon, ito nga pala ang kinahuhumalingan namin nun. Maganda kasi andaming mapupulot na magagandang aral unlike sa mga palabas ngayon, kulang na kulang sa values.

Kinder...dito rin nauso yung palabas na Cedie, Sarah, at Peter pan, at marami pang iba..na kahit sa laro eh sinasama "Sarah Sarah, prinsesa! Lavinia lavinia, inggitera! Loti Loti iyakin..si Ermengard ba yun?nalimutan ko na eh...Nagtataka rin ako kung bakit crush ko nun si Peter Pan...poging pogi ako sa kanya nun..bakit ngaun hindi ko lubos maisip saan banda?LOL!

Aba, at siyempre, active din ako sa mga larong pambata..yung langit lupa, siyato, patintero, tagu-taguan, building body, chinese garter, ten-twenty, one by one..two by two...basta yun yung puro may lastiko ang gamit..tapos dampa, teks!at marami pang iba. At uso pa nun yung:  Taym pers!!! "saksak puso tulo ang dugo!" shake shake shampoo, mataya taya..agawan base..hay!bigla ko tuloy namiss childhood ko :)

No comments:

Post a Comment