Wednesday, March 16, 2011

Mahahalagang Karanasan sa Aking Nakaraan ^_^ Age 3

Isa sa hindi ko malilimutang karanasan ko nung 3 y/o pa lang ako ay nung nakatikim ako ng bonggang bonggang disiplina mula kay mama. Basta ang natatandaan ko, nasa dinner table kami, kakain lang..then hindi ko maalala kung anu sinabi ni mama at kung bakit sinagot ko siya ng "OO!" (all caps talaga yan at with exclamation). At dahil dun, isang bonggang sampal sa bibig ang natanggap ko. Siyempre, bilang bata, umiyak ako nang pagkalakas lakas..ikaw ba naman ang dumugo ang labi! Ganun magdisiplina magulang noon...ewan ko lang ngayon...kasi sa nakikita ko, ibang iba na mga kabataan ngayon..iba na inaasal..mas malala...buti na lang pinalaki ako ng mga magulang ko na hindi natututong magmura or anything na unwholesome talk ^_^

Age three...dito na akong magsimulang magrecite ng mga winning pieces tulad ng "Oh, Captain" o kaya'y "I have a Dream" ni Martin Luther....hindi, joke lang...as if..pang declamation yan...hindi naman ako genious na bata..he he.Isa sa natatandaan ko yung

Ako'y may alaga, asong mataba
buntot ay mahaba, makinis ang mukha
mahal nya ako, at mahal ko rin siya
 kaya't kaming dalawa ay laging magkasama!!!!! (ganyan kabongga ang last part, may pagsigaw tulad ng I love you piolo ni toni gonzaga sa isa nyang commercial)


Ito nga pala ang favorite kong laruan...tanke!!!ha ha!!meron pa nga akong kotse-kotsehan eh, ewan ko bakit wala dyan sa picture..tapos kay kuya yung lego na galing sweden.

Mga yagit ng Christian Faith Church...ako, si ate aubs (naka red), si jo, koya nenja, jay, Kuya E.g. Ate jenny, at Joyce!!!makikita nyo transformation namen later on..


Kahit boyish ako noon sa laruan..aba!fashionista rin pala ako??wahehehe!kung todo posing pa eh noh?hanep ang shades!

Other links:



Mahahalagang Karanasan sa Aking Nakaraan ^_^ 0-1 Year

Mahahalagang Karanasan sa Aking Nakaraan ^_^ @ Age Two

No comments:

Post a Comment