Isa sa hindi ko malilimutang karanasan ko ay yung na-meet ko si Ate Nikki Dolores (na super late ko na narealize na ang real name pala nya ay rachel hannah...he he), na eventually naging penpal ko. She was in 6th grade and halos ka-height ko lang siya nun..petite girl kasi. Buong mag-anak namin kasi ay pumunta sa International Baptist Church in Makati and may ginawa ata si mama dun..I dunno kung seminar or what..basta may nakita kami ni kuya na little girl, naglalaro kami ni kuya then sumali siya. She's so friendly. Sayang wala kaming picture that time kaya ginawa ni mama kinuha na lang address nya and vice versa para magsulatan kami. Ate nikki was the first one to write letter then nagtuluy-tuloy na until college ako..sadly medyo nag-stop kasi busy na nang onti sa buhay at nauso na rin ang email, then friendster, then currently sa facebook. Pero I tell you, iba pa rin ang regular mail..yung maghihintayan kau kung kelan darating yung sulat, kelan magrereply..you know the thrill of having penpal...may effort at paggastos..ha ha!ngayon, mahala na, grabeh. Dati parang 11 pesos overseas..ngayun umaabot na ng 50 pesos. Hindi naman s apagtitipid...pero busy rin talaga. Naku, babawi talaga ako...hindi pa nga lang masimulan ngayon..he he.
Isa pang hindi ko malilimutan nung grade 3 ako is....medyo nega..ha ha!kaya nevermind na lang...matagal na panahon naman yun...wala nanag magagawa pa. At least may napatunayan naman ako in the end :) Thank God kasi kung hindi ko rin na experience yun wala rin akong motivation. tsaka ganun talaga ang life, kahit anung pagsusumikap mo, pwede ka maging biktima ng injustice.
No comments:
Post a Comment